image

Isa sa mga strategy ng operations ang bigyang buhay ang floor sa pamamagitan ng kung ano anong pakulo. Isa na jan ang decorations sa floor para naman mafeel ng mga agents na they dont miss out fiesta or holiday kahit may pasok sila. Minsan pabonggahan pa sa pagdesign.

image

Pizza Party

Posted: April 13, 2013 in Call Center, Documentary
Tags: , , ,

Normal nang may incentives ang mga agent for the job well done. It is either in the form pera, gift check, at pagkain.
Pizza ang madalas na ipakain samin kapag good job ang performance ng buong site.

Well kahit ano pa yan libreng lunch parin yan one if the more reason why i love working in a call center.

Lapok na!

image

I love Pag-ibig

Posted: April 11, 2013 in Facebook post
Tags: , ,

Dati naririnig ko noon kapag ang surname mo daw ay Jonas, kakabit na ng pangalan mo ang katamaran. Well, napatunayan kong hindi totoo yan kasi kahit papaano may napatunayan naman na ako pati mga kapatid ko.
image

Pero mayroon parin sigurong dugong Jonas na nanalaytay kasi pagdating sa pagaayos ng legal documents at application kinatatamaran ko yan. Yung idea na magfill-up ng form, pumila, magpabalik balik, magpapirma ng ganto ganun ay isa sa mga kinasusuklaman kong gawin. Lalo na sa government offices ay jusko lord.
Well, di naman maiiwasan kasi mag aayos at magaaply ka parin. Sa post kong to, gusto ko lang icommend ang Pagibig Makati branch kasi maayos yung proseso nila kahit 1  oras ako nagintay makukuha ko na ang loan ko inom 3 days af via atm pa walang cheke cheke. Ang maganda pa nito kahit shushunga shunga ako kasi maging floor ako pumila inendorse ako nung nasa counter para di na ako pumila sa ibang floor. Kung ganto kabilis at kaayos ang serbisyo ng lahat ng government institutions aba eh laking ginawa.  Thumbs up ako sa inyo Pag

Summer na at maraming nagpaplano ng kanilang mga bakasyon lalong lalo na tuwing holyweek. It’s the time kasi to relax, relfect, relieve stress, at mag-enjoy. Well, para sa aming magbabarkada di na kailangang mag-isip kasi iisa lang naman ang destinasyon namin tuwing holyweek, it has been a tradition for almost 6 years and we never tire going back to this place. Destination: White Beach Puerto Galera!

216041_10150172390732722_768167721_6610112_5652847_n

Now where exactly is White Beach Puerto Galera? Puerto Galera is located on the north shore of Mindoro Island, 130 kilometers south of Manila and 14 nautical miles away. Kung galing Manila, the easiest way to get there is by bus bound to Batangas port about one and half hour ride (P166 as of March 27, 2013) then from Batangas port to Puerto Galera an hour boat ride (P260+ fees).

White Beach Puerto Galera

Well tama na ang explanasyon pakilala ko na sa inyo ang mga kasali sa Ginoong Kwaresma 2013!

Darky Darky

a.k.a “Ronda Patrol”

info: unang gabi palang nakatapon na isang tower ng mindoro sling dahil harot, nangunguna sa paggagala at frontliner kapag gusto umikot ikot sa mga bars.

 

Markie Marky

a.k.a. “Mamang Markie”

info: ang may gandang di mo inakala, best in talent dahil kaya nyang sumuka ng pabilog ang bibig at super generous senyora ng lahat at ang nagiisang Laida Magtalas ng grupo.

 

Hanz Hanz

a.k.a. “Ang Kubrador

info: mamahalin ang ganda dahil sa dami ng naipagawa sa syensya, dakilang taga singil ng may mga utang, maximum security ang peg ngunit di padadaig sa ganda at shine ng balat.

 

Dave Dave

a.k.a. “Ms. Crayola”

info: huli man daw at magaling susunod parin, sumunod sa Galera para makasama ang one true love, aning aning minsan at siya ngayon ang humahawak Crayola princess award dahil sa emote sa beach.

Tyzer Tyzer

a.k.a. “Hala Sha”

info: wag mamaliitin ang gandang nahulog sa langit dahil never nazero ang kapatid nating ito, di man kaputian maganda ang kalooban yun nga lang kapag aurahan di mo mauunahan

Kyle Kyle

a.k.a “Lelet”

info: maliit man sa paningin nakakapuwing din, magaling magvalivash pumapalo kahit di abot ang net, kapag lasing magaling gumawa ng kwentong kapanipaniwala to the point na may nag-away

Marvin Marvin

a.k.a. “Abby”

info: wag magpapabulag sa tahimik na nature dahil nagiging maldita sa gabi at kapag nakainom, lakas mangtrip pero kapag nasilayan na ng liwanag bumabalik sa pagiging Abby nya

Euan Euan

a.k.a. “Baklang Okray na GG pa”

info: magaling magkwento ng mga alamat at sobrang lalim ng mga meaning ng bawat istorya, lakas mang-okray at talent nya na ang pagiging GG-era minsan di mo alam kung totoo ang sinasabi o nang GG lang

Derick Derick

a.k.a. “Daddy Derick”

info: number 1 supporter ng best in GG, hataw sa pag sayaw ng pokpok dance

 

Dixie Dexy

a.k.a. “The Longhereret”

info: talented sa pagme-makeup yung tipong nakatulog ka na buo parin ang make up mo, happy kasama sa bar kasi rampage kung rampage din

 

Dexter Dexter

a.k.a. “Friendly Alonedra”

info: apple of the eye ni Laida Magtalas sa Galera, bigla biglang nawawala sa eksena may booking na pala

with the special participation of:

Mike Bottom Mike

a.k.a. “Baklang Bulabog”

info: baklang ubod ng ingay at masarap makipagokrayan kasi game na game, marunong pa sa mga nag totong-its akala mo kasali at na-OP nung naligo ang mga kasama kasi lahat sila nakahubad

Life Life

a.k.a. “Ngenge Boom”

info: halatang may alcoholic problem kasi tanghaling tapat numonomo at nandadamay pa, super bait ang girly na kasama na si Jean at Eruption, super imbyerna sa lumba-lumba at abnormal na kasama sa kwarto

************ DAY 1 ************

Start ang aming escapades sa KFC Buendia kung saan kami nagkita-kita. As for me, kina Tyzer na ako nakitulog kasi ihahatid siya ng Dad nya so imbis na maghiwalay pa kami since magkasama naman kami maghapon dahil nag ukay kami sa kanila nalang ako nag stay. Pagdating namin sa Buendia andun na si Markie at Hanz. A few minutes dumating narin ang magjowang Kyle at Marvin. Lastly si Papa D at Euan naman. Dahil kumpleto na kami we decided to take the bus at exactly 2:15 am. Sa bus palang riot na kasi nga ngaun lang ulit nagkita-kita kaya walang katapusan ang kamustahan at okrayan. Instant friends agad ang peg ng lahat. Paalis na yung bus ng umeksena si Tyzer na bababa para magbanyo… pagbalik nya to his surprise nakita nya si Shine… (si Shine ang karir ni Tyzer na di sumama kasi gumawa ng dahilan na may nadeads na relatives ek ek). Di na nya pinansin si Shine kasi nga imbyerna na siya.

The trip to Batangas port went smoothly, yung iba samin natulog, yung iba naglaro ng Candy Crush or 4 Words 1 Pic at kung ano ano pa. After an hour, we’ve arrived sa aming destination and to our surprise ang daming tao na nakapila at ang mga bilihan ng ticket nasa labas na. May kontak sila Hanz na dapat ibibili kami ng ticket but hindi natuloy and they just advised us to purchase our own ticket. Dahil naimbyerna na si Hanz kami nalang ang dumiskarte para sa aming tickets. May mga early trip na diretso na daw ng White Beach pero based from experience ang mga schedule na yan di naman nasusunod so ang ginawa namin kinuha namin yung sure na makaka board at makaka alis kami sa tamang oras. We paid the tickets and waited a little for the waiting area to open.

Boarding Batangas Port

This year tatandaan ko yung lalaking nag alok samin ng tubig ni Euan, pinagloloko kaming mahal daw ang tubig sa Galera. Humanda yung animal na yun next year pinagbitbit kami ng tubig from port to Galera… hayuuup… As expected nung binuksan ang terminal siksikan nanaman ang tao as in sardinas na pinagkasya sa lata. Madaming naipit, maraming nagsigawan, sila Hanz at Papa D go lang kasi may strategy sila, si Euan picture picture lang hahaha. Nung makapasok, di na rin kami nagtagal sa loob ng terminal kasi open na yung gate kung san kami magboboard. Dahil maaga kaming nakalabas ng terminal kahit 8:15am pa ang sakay namin, nauna na kaming makasakay sa Challange and Passion of Love kemeng boat. After an hour and half trip sa dagat we’ve arrived sa lupang pinangako… White Beach Puerto Galera.

1st Stop: Restaurant ni Ligaya

Sobrang gutom na gutom kami kasi nga di naman kami nakapag snack man lang sa terminal so after naming magcheck in sa kwarto namin dumiretso na kami agad sa isa sa mga favorite naming kainan sa Galera… Residecia De Galera Restaurant and Bar, pero tawagin nalang nating “Restaurant ni Ligaya” kung saan nagseserve yung mabait na beki na si Mama Joy. We ordered, we ate, and we laughed.

Residecia De Galera Restaurant and Bar

Ang bulalo, tinola, sinampalukang manok, buttered chicken, grilled pork chop and liempo, at iba pa nilang sineserve na pagkain ay masarap at mura promise so kung dadaan kayo dito sa next Galera trip nyo try it!

2nd Stop: Fruitas

Fruitas

Never nacomplete ang vacation namin sa Galera kung walang Fruitas. Bukod sa thirst quencher na sobrang nakaka-alis ng init kapag uminom ka nito. Perfect combination with the searing heat at paglakad lakad sa paligid ng Puerto Galera. Hindi pa madamot yung mga tindera kasi they add more milk and syrup if you ask for it at mabilis silang gumawa ng shake.

It is a must have when you visit sa Galera kahit meron nito sa Manila iba parin ang feeling kapag dun ka uminom nito. Alternative din ang mamahaling scramble nila at P50 mais con yelo na pinagdadamot ang pag add ng saging hahahaha.

3rd Stop: Shakey’s

Masarap tumambay dito kasi yung mga crew flirt at friendly. Na-enjoy namin nila Hanz at Tyzer ang pakikipagusap sa mga crew nila. Umorder kasi kami ng basket of Mojo’s habang umiinom ng fruitas, saktong kumain sila ng tanghalian nilang longganisa. Napansin naming cute sila at pilit kaming inaalok kumain. Sabi nga ni Hanz, wag nyo kaming pilitin at baka maubos namin yan. Second the motion naman akong “sige lang kuya kain lang kayo at pagkatapos nyo kami naman ang kakain.” Ang mga harot na otoko pinapili ba naman kami kung longganisa ba daw or saging hahahaha syempre si kapatid na Tyzer pademure, kapag niloloko namin puro “Hala Sha” ang sagot. Nung pauwi nga kami nakita namin si Maynard sa isang bar, eh super crush ni kapatid yun, nung sinabi namin na andun si Tyzer hala sha kumaripas ng lakad akala tuloy nung waitress nung bar malakas ang sounds nila kasi di lumilingon si bakla.

4th Stop: Kwarto lang

5386_411722652256486_1042661990_nDahil di namin kaya ang init sa labas, we decided to stay inside our room, siksikan kami sa dami ba naman namin pero dahil hindi issue sa amin ang space, kuya  Hanz managed to make a deal with Ateng nagpapakeme ayun nakamura tuloy kami sa extra bed na si Hanz ay di mapakali sa paniningil. Kasi nga walang issue ang pera sa aming magkakaibigan hahaha.

Di pa kami nilalamig sa loob ng kwarto ay bigla namang umeksena si Life, since Wednesday pa daw sila at nag-aayang mag-inom agad. Wala pang kalahating oras bumalis si Life na may dalang Emperador Lite at nagsimula nang tumagay. Naka 2 bote kami ng long neck habang nagkukuwentuhan. Nang mahilo na ang mga bakla we called it quits at nagsipag tulog na ang mga beks. Si Life sa sobrang kalasingan di na nagising nung gabing yun.

Later that afternoon dumating narin si Dexter at meet and greet na ulit.

Ang First Night

909386_10201159392729832_1278822953_n

Dahil mababagal kumilos ang mga beki, nauna na kami ni Dexter at Markie para maghanap ng table at pwesto sa beach. Sobrang daming tao pero we manage to ask a waiter to assemble sets of tables and chairs para magkasya kami. Iniwan ko muna yung dalawa para kumain ng onti kasi wala pang laman tiyan ko eh so lafok muna ako ng siomai. Pagbalik ko andun na si Tyzer so order agad kami ng isang tower ng Mindoro Sling kasi medyo late narin kami nakalabas at nagstart na ang party. Sobrang tapang ng timpla ng Mindoro Sling so naisipan kong kalugin ang tower, nung una pasweet muna para maalog ng onti eh nung tinikman di parin balanced yung lasa ang ginawa ko binuhat ko yung tower ang kinalog with matching kembot. Suma tutal lumuwag yung takip ng tower bumukas at tumapon hanggang kabilang table yung alak…. nakakahiya pero syempre dedma nalang hahahaha. Eventually dumating na yung iba naming kasama at we started to enjoy the night till dawn. Ang huling naaalala ko nalang ay si Markie at Dexter niyayaya ako sa Jurassic para magobserve dun pero dahil sa umulan sumabay nalang akong kumain ng breakfast kina Hanz habang pinaguusapan namin yung feelingerang puro bukbok naman ang fezlak. Nakita ko rin ang all time crush kong si Jepoy haist kilig hahahaha. After nun plakda kaming lahat. Tapos si Tyzer may aura na wiz nya bet pero super ispluk parin siya ng kung anek anek suma-tutal nga nga sa huli kahit nagmukhang luneta ang beach.

907629_10201156074286873_1928311252_n

303299_412345642194187_1678766131_n

********** DAY 2 ***********

Almost lunch time na nung magising kami. Kahit hilo parin at hang over nag-ayos na kami kasi gutom na ang lahat. We went to our 2nd favorite tambayan sa Galera which is Manalo’s Restaurant and Bar. If ever mapapadaan kayo sa lugar na to ilan sa mga favorite naming orderin ay yung grilled pork chop with crab and corn soup, chopsuey, chicken curry, friend chicken (yung leg part daw kasi mas malasa), wag din kakalimutan yung gulay na side dish sobrang sarap isama sa ulam at kanin. Champion din ang mango shake at frozen iced tea nila.

Manalos

After naming kumain nakasalubong namin si Dave na kadadating lang galing Batangas port, sumunod lang kasi si Dave kasi may work siya so sa wakas nakumpleto na rin kami. Bumalik na kami ng kuwarto para magpahinga at magpalamig. Dahil nagdala ako ng playing cards naisipan naming magsugal. Nakagawian na naming magtong-its para pampatay ng oras pero ngayong taon may tinurong bagong sugal si Tyzer sa amin yung “In Between”. Halos maubos ang boses namin kasisigaw dahil sa laro. Exciting kasi risky ang bawat moves at malakas makaubos ng salapi pero sobrang saya.

In Between SessionPagkatapos maglaro ng In Between yung iba natulog, yung iba kumain at lumabas, at yung iba nag-tong its. Dito na na nambulabog si Mike Bottom na marunong pa sa mga naglalaro ng tong-its. Okrayang umaatikabo lalo na si Mike at Euan. Later that afternoon naisipan nilang magVolleyball so megasupport nalang kami ni Euan at Abby kasi di naman kami naglalaro samantalang si Hanz naman ay naiwan sa kuwarto, napatagal ata kami ng pagstay sa beach dahil medyo madilim na. Nagsiligo na kami at nagpahinga para sa 2nd night out namin.

Ang 2nd Night

2nd Night

2nd Night Out

Super party ang nangyari, may kanya kanyang eksena. Ang pangalawang gabi namin sa Puerto Galera ang masasabing wild party.

Tyzer – may kalambochingan super sweet, isinama sa room pero di na namin namalayan ang mga naganap

Markie – super bakod kay Sir Miggy Montemonio pero dedma, nalasing ng bongga at may linyang “he’s taking me for granted”, may talent sa pagsuka kasi kayang kontrolin ang hugis ng suka nya sa buhangin

Kyle – lasing din, super gawa ng kwento na kapanipaniwala para sa kapatid na Dave sumatutal warla…

Marvin – si Abby nagsasalita na nung nakainom at nagmaldita pa, nilapitan si Sir Miggy Montemonio at awra nya para pabalikin sa table dahil si Laida ay nagmamaktol na

Hanz – maagang umuwi kasi nga nakorner sa mga kwento ni Lelet at naka maximum security, pulang pula na rin kaya jumuwi na ng maaga

Dave – affected sa mga kwentong bakla, super crayola sa tabing dagat, ang lakas maka emote, umuwi ding sumusuka sa daan

Dexter – mega awra at natakehome pa kinabukasan na ng tanghali nakabalik

Dixie – nakadress si bakla rumarampa sa dance floor

Darky – may inventory check, laging wala sa table para samahan ang mga gusto umawra, super enjoy makipagsiksikan sa dance floor

Derick – super love ko ang pok pok dance at mga old school na steps

Euan – ginamit ang alindog, okray parin at ang umalalay kay Dave nung nasa dalapasigan

Life – nag-invite ng mga kasama nya sa kwarto na may attitude problem suma tutal pinalayas din sila sa table hahaha

908972_10201155988364725_6934606_n

907199_10201156057726459_969841511_n

907265_10201156002325074_1451851621_n

907324_10201156059606506_41477672_n

908959_10201156001925064_1086212961_n

Sobrang dami naming nainom at halos lahat kami may tama. Kami nila Tyzer ang natira para ubusin ang pang 5 tower ng mindoro sling pero di na namin kinaya at nagsi uwi na kami.

********* DAY 3 **********

As usual tanghali na nagising ang mga beki. Tawang tawa kami nung umagang yun habang kinukwento ni Tyzer ang mga naganap nung gabi. Lalong lalo na kung paano sumuka si Mamang Markie at kung paanong si Abby ay nagpameywang ng sobrang taas. Isali na rin ang pangongorner ni Letlet kay Hanz at ang mga kaharotan ni Tyzer kay Yuan (karir nya kagabi).

Nang makaramdam ng gutom, kay Mama Joy ulit kami kumain. Habang naghihintay ng pagkain hindi parin matapos tapos ang asaran at okrayan. Si Markie na nahihilo pa pumunta ng CR pero di na inabot. Nakakamiss si Mama Joy lalo na yung kapag tinatanong namin kung nasan na yung pagkain… siguro mga 10 beses niyang sinabi na “lalabas na”. Sobra kaming nabusog sa mga inorder namin. Pagkatapos kumain at bumalik na kami sa kuwarto namin habang yung iba naman ay namili na ng pasalubong at mga sando.

After naming kumain bumalik na kami ng kuwarto and we decided na magpahinga ng konti pero before that nakapagpareserve na si Markie ng net at bola for volleyball later that afternoon. Pagbalik namin we were formally introduced to Dixie na makikishare sa room namin kasi yung mga kasama nya ay umuwi na at dahil gusto pa nyang magstay we let her. Instant bonding ang naganap kahit ngayon lang nagkakilala parang matagal nang magkakaibigan kung mag okrayan.

4:30 pm lumabas na kami kasi magvolleyball sila Letlet, Tyzer at iba pa habang sila Euan at Papa D naman ay magpapa-Tan. Sumabay na kami palabas kasi gusto ko ring bumili ng Saging Con Yelo pero pagdating namin dun pinagdamutan kami ni ate, kulang nalang magmakaawa ako sa isang kutsarang minatamis na saging. Sa halagang 50 pesos di worth ang tinitinda nya di masarap at di na kami ulit bibili sa kanya hahahaha.

ValibolHabang nagvolleyball ang iba, kami ni Hanz at Abby ay sumama kina Euan sa kanilang pagta-Tan pero dun kami sa lilim. Dun na kami nagshare ng mga kwento si Euan tungkol sa alamat ng Tagaytay, Taytay, at Navotas. Yung mga kwentong yun ang pinakawalang kwentang kwento na narinig namin yet kalagitnaan palang  ng kwento ay tawa na kami ng tawa. Pati mga palaisipan ay di rin namin pinatawad. Nung mapagod kami ay nagswimming muna kami sa beach, malamig ang tubig at di masyadong malalim kaya tamang tama lang para magbabad.

We also took the opportunity para magpavalidate ng tickets namin for departure for the following day kaya lang ang nakuha namin ay yung 4:30pm kasi full na yung morning at noon na boat so wala kaming choice kundi kunin yung 4:30 na boat. It’s an advantage kasi atleast maeenjoy pa namin yung gabi without worrying na maiiwan kami ng banka pero on the other hand may iba kasi samin na need na makabalik ng manila kasi may work pa so mixed emotions.

Madilim narin nung umahon kami kaya naisipan naming balikan ang mga bekibols na naglalaro para ayaing kumain, sakto namang patapos na sila kaya naman dumiretso na kami sa Manalo’s Restaurant kung saan namin itinuloy ang okrayan, kwentuhan, at pagshare ng alamat pati na mga palaisipan.After kumain bumalik na kami sa kwarto para maligo at magpahinga. Naisipan naming magpamasahe nila Hanz, Papa D, at Euan… imbis na marelax ay lalong kaming nabulabog habang inookray ni Euan yung nagmamasahe… ilang minuto pa dumating naman si Mike Bottom para manghingi ng 50 pesos pang yosi at para bulabugin din ang mga nagmamasahe sa amin. Syempre nagbatuhan ng okray si Mike at Euan kasi sila ang magkaribal sa okrayan about sa size ng parte ng katawan nila. Nung umalis na si Mike si Tyzer naman ang pumalit sa pambubulabog sumatutal walang nakapagrelax. We just took a quick rest then prepare na for the final night.

The Final NightTanduay Ice

Nothing much special happened during this night, but we enjoyed it by drinking and mingling with other friends na nakita namin sa beach at sa bar. We ended up drinking sa beach and then afterwards sa bar. Sobrang daming tao and the night is so alive. We limited our mindoro sling to 2 towers and then nag bote bote na kami. Nung una pasweet lang Tanduay Ice and Tanduay Black, and then afterwards Red Horse na.

Sa bar we meet a few party people na makukulit, may isang maliit na bilat na sobrang kulit na pilit nyang binebenta yung mga kasamang nyang beki. We also met Vince na beki daw siya pero may GF at general ang tatay. Tyzer also met a guy na mukhang sir Chief but I don’t know what happened coz we are really drunk and the sounds were so loud and we just didn’t care. The party lasted til morning and the survivors Me, Tyzer and Dixie decided to eat first before going back to our room. Dahil wala na masyadong bukas na kainan we ended eating sa karenderia sa may beach front kung saan bata ang nagseserver. We are dizzy and tipsy to the point na lahat ng makasalubong namin tinatanong namin kung “pauwi na ba sila”. Yung iba sumasagot yung iba dinedma kami pero I can still remember kung pano namin kulitin ang mga dumadaan buti nalang di kami napa-away. Buti this year walang upuan na hinagis at walang eskandalong naganap.

 IMG_20130330_001039

IMG_20130329_235249

Goodbye Puerto Galera See You Next Year!

The following day we woke up almost noon. It’s our final day sa Puerto Galera, although alam namin na magkakahiwa-hiwalay kamin at the end of the the day we still managed to cheer each and everyone. Nag-bruch muna kami sa kubo to fill in our empty stomach at namili ng ilang pasalubong and then we head back to pick up our things. Inayos na namin ang mga gamit namin, binitbit ang mga bags and we are off. Syempre picture picture taker muna para may remember…

733938_10151536959777722_1449215999_n

17190_10151536966327722_1240872369_n

24294_10151536966267722_1748317224_n

45497_10151536965702722_1303200328_n

58943_10151536966022722_417538234_n

299099_412345228860895_1097857083_n

482335_10151536965502722_116685442_n

524854_10151536966427722_363273952_n

540699_412345128860905_2016507646_n

This summer vacation was really a blast. Met new friends and gained a lot of unforgetfull memories. Kahit sang lugar ka naman magpunta basta kasama ang mga tunay na kaibigan mo walang dull moment. Looking forward of meeting you all again and I am pretty sure our next gimik will be awesome. Godspeed!

60606_10151498499979318_387460599_n

A stranger stabs you in the front; a friend stabs you in the back; a boyfriend stabs you in the heart, but best friends only poke each other with straws.

 

Young man have job interview.Noong grumaduate ako ng college, wala pa akong idea kung anong trabaho ang papasukin ko, it was year 2004 and BS in Computer Science ang course ko so I am expecting na maging computer programmer or systems analyst or IT ang magiging work ko. Alam ko na sa sarili ko na kailangan ko ng trabaho outside of Cavite para naman maexpose ako sa urbanidad kasi kung babalik ako ng EPZA (Express Processing Zone Authority) ay siguradong magiging operator lang ako ng machine at di magiging related and trabaho ko sa pinag-aralan ko. Yung mga ilang araw ng job hunting ko it was a struggle kasi una wala akong alam sa Manila, sumasama lang ako sa kaklase ko nung college sa mga ina-applyan nila. Ang job description na pinag-aaplyan namin syemre related sa computers but mahirap kasi puro lakad dito lakad dun tapos di pa namin alam kung saan hahanapin yung building kasi nga mga bagong salta sa Maynila. Most of the companies na na-applyan namin mukhang sablay ako sa interview hahaha di ko alam pero parang ang purol ng utak ko sa mga tanong nila… after a few days naisip ko need ko nang mag-step up at mag-hanap ng trabaho na ako lang mag-isa kasi kung aasa ako sa pag-sama sama mukhang walang mangyayari.

Ang Panel Interview

May alam naman na ako sa mga lugar sa Maynila kasi medyo gala din naman ako kahit papaano pero syempre yung mga malalapit lang sa MRT or LRT kasi accessible. Tamang tama yung ads na nakita ko fliers may job fair sa Megamall noon so try kong lumuwas ulit (yes from Cavite to Manila) para magbakasali na mahire ako this time. So I went to Megamall and tried my luck there mukhang nganga din kasi ang daming applicant. So tyaga tyaga and then after ilang pasa ng resume sa ilang companys super intay so nainip ako naisipan kong kumain muna. Sa EDSA central ako kumain kasi malapit lang sa Megamall tsaka dun ako bumaba from MRT at may napansin akong post for work. Customer Service Representativ and Technical Support Representatives ang post na nakalagay. Call Center. Now wala pa akong idea kung anong ginagawa sa isang call center pero since curious ako at mukhang malaki ang offer nila sa mga nahire nila go na!

Teleperformance yung name ng company… they are promising 1 day processing so naisip ko why not coconut. Pagpasok ko sa loob medyo intimidating kasi EOP (English Only Policy). Well ok naman ang english spokening dollar ko in all fairness pero syempre di parin perpek. Binigay ko resume ko, syempre kinausap ko yung nasa front desk “Hi, I am applying for the TSR position!”, sumagot naman siya ng “ok, kindly fill-up the form and then leave it here and wait for your name to be called”. Naupo muna ako saglit at nag-observe ng mga kasabay ko… mga naka semi-formal attire yung iba mukhang matatalino talaga at magagaling mag-English. Di ako prepared nung araw na yun para sa interview about call center kasi biglaan lang pero confident naman ako sa English ko kasi isa yung sa best skills ko nung college pa ako. After a few minutes tinawag na yung pangalan namin. Pumasok kami sa isang kwarto, siguro mga 10 kami sa loob at isang interviewer… kinakabahan ako kasi nga di ako prepared. Nagsimulang magtanong yung interviewer, mga basic questions lang like “can you tell me something about yourself”, “what do you do during your free time”, “what are your hobbies”, mga questions lang na mag-gauge ng communication skills at fluency sa English. Hinding hindi ko malilimutan yung isa kong kasabay na mainterview, babae tapos medyo matigas yung dila halatang probinsiyana. Ang tinanong sa kanya… “What is your favorite movie?”. Sumagot siya “The Italian Job”. Alam ko yung movie na yun kasi may kopya ako ng ganung movie eh at gusto ko yung story it’s about a group of thieves and they planned the perfect heist sa isang banko or something. Nag follow up question yung interviewer “And what is the story all about?” Natigilan yung babae…. nag-isip siguro mga 30 seconds… tapos nagsalita na… “The Italian Job is actually a movie… the story is about a JOB in… ITALY….. (and then long pause)….. that’s it!”. Gusto ko tumawa ng malakas pero syempre rude ko naman kung hahagalpak ako ng tawa dun sa interview room. After mainterview we are given a small piece of paper telling the applicant if nakapasa or hindi, luckily I passed and all other procedures like typing proficiency test at final interview. In the end, I finally got the job and I am so happy to sign the contract kasi naman P15,000 starting plus P3,000 allowance. Malaki na para sa akin yun nung time na yun kasi nung nasa EPZA ako basic ko wala pa atang P10,000 tapos patayan pa sa trabaho. I got really excited and told all my friends and relatives na may work na ako yey!

 

My friend, Candy Mejia-Subida, shared her actual experience. Read her post below:

a word of caution! An incident happened to me yesterday in between megamall and st. Francis square while i was double parked infront of mercury….i was sitting in the drivers side while royet quickly ran to mercury. while i was putting on lipstick and using the rear view mirror i saw a man c

rossing from megamal to st francis area. We actually made eye contact and he even put a smirk, from then on i had my eye on him (had a bad feeling about him from the very start) so i continued putting lipstick but my eyes were now at the passengers sidemirror…true enough he circled the car and went back to the pedestrian and i saw him signal a group across where he eventually joined a two women with two” umbrellas” and one guy. my heart was beating so fast already (because this is what i read in the “Rachel Samson Torres incident” post). what was freaky was i could predict every move of theirs because i read that post. the two women and one guy positioned themselves apart from one another one at the back of my car, the other with still an open umbrella right smack infront of my passengers side and the other infront of the car but all on the sidewalk of st. francis side. i knew something was up because when they were crossing they were talking and when they crossed they split up and as if they didnt know ea other.i moved my car a few meters and he said hindi ho hindi ho ( as if saying im not telling you to move) in the meantime i got my fone put it in camera mode and true enough the guy goes up to my side and is pointing to my rear tire …my goodness i couldnt believe that was the very exact thing that happened to mommy Rachel Samson Torres. (pls read her post which i will attach) so when he started babbling i put up my fone and took his foto he immediately covered his face and said no no no and he walked away towar the st. francis guard. i wanted him to know that i knew something was up thats the reason i took his foto so he would go away from me. ..(note: he even tapped the rear of the car and spoke to the guard). At this point i had rang royet to come out. I saw the girls and guy cross back to megamall side so i opened my window and started calling the megamall guard and i kept saying guard yun naka orange and red and white stripes…they were walking ever so calmy but moved significantly faster coz they could hear me screaming by then.royet gets into the car and we drove to find the 2 girls and guy but they had entered megamall already. we turned the car back and looked for the gurd of st. francis who he spoke to and we asked what the guy had said…..According to the guard the man asked if “we” could park in a slot. (Note: Imagine.. the guard actually thought all the while he was with us coz the man “tapped” the car before he approached the guard(apparently a contingency move if they are almost busted). i feel so fortunate that mommy rachel made a very detailed report on the new modus operandi if not for her chances are the girl nearest to me would have opened the passenger door if i opened my lock to check on what the guy was fictitiously pointing at. (note in the picture that all this was happening with the megamall guard a few meters away behind him. in my case Awareness played a key role therefore it is my duty to make others aware through sharing my experience so we can minimize being victimized. P.S. feel free to re-post this and his picture…he probably thinks i got a clear shot of him and his cohorts, which is what i would want him to think. Friends, let us be extra vigilant!!!!

this is the post of mommy rachel that got me through this without getting victimized
LAST FRIDAY, JULY 7, 2012, AT AROUND 12:20-12:40PM, AS I WAS PICKING UP MY GRADE 5 DAUGHTER IN POVEDA, I HAD A NEAR HOLDUP/CARNAP/CARJACK EXPERIENCE.
I DROPPED MY YAYA ON GUADIX DR. CORNER POVEDA ST. , THEN I PARKED MY CAR ON ADB AVE., VERY NEAR GUADIX DR. ,BY THE SIDEWALK OF ADB AND WAITED INSIDE THE CAR.
WHILE WAITING, I WAS BUSY TEXTING. AFTER ABOUT 5-10 MINS., I HEARD SOME SOUND LIKE SOMEONE WAS TOUCHING THE LEFT REAR SIDE OF MY CAR. I COULD SEE THREE WOMEN IN THE CORNER OF MY EYE. I WAS ABOUT TO UNLOCK THE DOOR SINCE I THOUGHT IT WAS MY DAUGHTER AND YAYA. THEN A MAN KNOCKED ON MY WINDOW SAYING, “MAY SUSI NA NAIPIT.”, WHILE POINTING TO THE LEFT REAR SIDE OF MY CAR, AS HE WAS HOLDING A CELLPHONE AND A CAR KEY.
I COULDN’T UNDERSTAND CLEARLY WHAT HE WAS SAYING. I WAS ABOUT TO GO DOWN AND LOOK, THEN I SUDDENLY GOT SCARED. IT JUST DAWNED ON ME THAT THIS MUST BE ONE OF THOSE “MODUS OPERANDI” THAT TED FAILON HAS BEEN WARNING DRIVERS, ESPECIALLY THE WOMEN OF.
THEN I REALIZED I SHOULDN’T HAVE OPENED MY WINDOW. SO I CLOSED IT RIGHT AWAY. THE THREE LADIES WERE UNDER A WHITE WITH RED HEARTS UMBRELLA, LOOKING DOWN NEAR MY LEFT REAR WHEEL. I COULDN’T SEE THEIR FACES BECAUSE OF THE UMBRELLA. I WAS THINKING THEIR “SUSI” MIGHT HAVE BEEN RAN OVER BY MY WHEEL, SO I STARTED MY CAR AND SLIGHTLY MOVED IT FORWARD. I WAS WAITING FOR THEM TO PICK UP THE “SUSI”, BUT THE LADIES JUST LEFT AND WALKED TOWARDS GUADIX DR., AND THE MAN WENT BACK TO MY WINDOW SIDE AND SAID THE SAME THING AGAIN. I MOVED THE CAR SLIGHTLY FORWARD AGAIN AS I WAS READY TO SPEED AWAY. THEN HE LEFT, GOING TOWARDS THE LADIES WHO WALKED.
I WATCHED THEM WHILE THEY WERE WALKING. THE MAN WAS TALKING TO SOMEONE ON HIS CELLPHONE OR MAYBE PRETENDING. THEN THE MAN WALKED BACK TOWARDS ADB AGAIN, THIS TIME WALKING ON THE SIDEWALK OF ADB. I WAS READY TO LEAVE IF HE EVER COMES BACK TO ME AGAIN. BUT HE JUST CONTINUED WALKING STILL TALKING ON HIS CELLPHONE.
THEN FINALLY, MY YAYA AND MY DAUGHTER ARRIVE. I ASKED HER IF HER KEYS ARE WITH HER OR MAYBE “NAIPIT” BY THE DOOR. BUT IT WAS IN HER BAG.
SO WE LEFT AND MOVED TOWARDS THE DIRECTION OF PODIUM. THE MAN WAS WALKING TOWARDS THE SAME DIRECTION AND TALKING ON HIS CELLPHONE.
ON HINDSIGHT, HE WAS GIVING ME THE IMPRESSION THAT HE WAS A DRIVER OF ONE OF THE STUDENTS’ CARS, THAT’S WHY HE WAS SHOWING ME HIS CELLPHONE AND A CAR KEY, AND MAYBE I WOULD FEEL COMFORTABLE AND GET OUT OF MY CAR AND LOOK AT THE REAR LEFT BOTTOM PART OF MY CAR, WHERE THE LADIES WHERE LOOKING AND TO WHERE HE WAS POINTING. THEN THAT WOULD BE HIS CHANCE TO HOLDUP/CARNAP/CARJACK.
UNFORTUNATELY, THERE WERE NO MMDA TRAFFIC AIDES/POLICE IN THE AREA AT THAT TIME. NORMALLY THERE IS ONE AT THE INTERSECTION OF ADB AVE., GUADIX DR., POVEDA ST., AND ONE IN A MOTORCYLE ROVING ALONG ADB AVE.

I WAS LUCKY TO HAVE HEARD TED FAILON’S WARNING THAT MORNING, OVER DZMM RADIO. THAT THE NEW MODUS OPERANDI OF THESE PEOPLE NOW, IS TO TARGET LADY DRIVERS, WHO ARE CAUGHT UNAWARE, BECAUSE THEY ARE BUSY TEXTING, PUTTING ON MAKE-UP, ETC . IT IS NO LONGER THE “RIDING IN TANDEM” STYLE. THERE IS IS JUST ONE GUY ON A MOTORCYLE, WHO PURPOSELY BUMPS YOUR CAR. SINCE IT’S NOT THE “RIDING IN TANDEM” STYLE, YOU FEEL IT’S REALLY AN ACCIDENT, SO YOU GO DOWN TO CHECK, THEN ANOTHER GUY RIDES AND SPEEDS AWAY WITH YOUR CAR. SO HE SAID, IF THAT HAPPENS, JUST IGNORE IT AND MAKE SURE YOU GET OUT OF THE SCENE AS SOON AS POSSIBLE.

ANOTHER ONE IS, THEY TIE SOME TIN CANS AT THE REAR OF YOUR CAR, SO WHEN YOU MOVE, YOU WILL HEAR THEM SOUND, THEN YOU GO DOWN TO CHECK WHAT IT IS, AND THEY GET YOUR CAR.

SO PLEASE, DEAR PARENTS, PLEASE LOCK YOUR DOORS ALWAYS, INSTRUCT YOUR DRIVERS AND YAYAS TO BE EXTRA, EXTRA VIGILANT. MAKE YOUR CHILDREN AWARE OF THIS. . WE ARE NOT SAFE IN THOSE STREETS. BEST IS TO WAIT ALONG POVEDA ST. WHO KNOWS WHAT COULD BE AFTER A HOLDUP/CARNAP/CARJACK….GOD FORBID.

I THANK GOD, MAMA MARY, MY GUARDIAN ANGEL FOR SAVING ME AND GIVING ME THE PRESENCE OF MIND. AND THANK YOU TED FAILON FOR WARNING US ALL THE TIME!

 

Pinoy Radio Online ♥ PARA SA MGA CALL CENTER AGENTS.. (mahaba to pero nakakatawa) ♥

Hindi ko na naiintindihan ang sinasabi niya. Basta ang alam ko, noong mga oras na yun, asa alapaap ang aking diwa. “Congratulations, you’ve successfully passed the recruitment process. You’re hired”. YOU ARE HIRED!!! Marahil, isa sa pinaka masarap na litanyang pwede mong marinig kasama ng “Oo, tayo na” at “Negative ang pregnancy test” (joke lang). Kaya naman nakatitig ako sa kawalan habang pinapaliwanag nung babae mula sa HR department ang mga terms and conditions ng kontrata. Bumalik nalang ang aking ulirat nang pinapirmahan niya ang sandamukal na papel mula sa brown envelope. Di ko alam kung para sa trabaho parin yun o last will and testament. Pagkatapos ng ilang online tests and assessments (nakaka-urat talaga yung typing test), mga interviews na susubok sa tatag ng pinahid mong deodorant, sa wakas, isa na akong “technical support representative”. Oo, call center agent din yun, pero mas mabangis pakingan. Kung baga sa zoology, scientific name. Naks. Di na ako tambay. Isa na akong employed citizen. Maiaahon ko na sa hirap ang aking pamilya. Mapag-aaral ko na ang kapatid ko. Mabibili ko na lahat ng gusto ko. Makakakain nako sa Jollibee kahit hindi linggo, tuwing pagkatapos mag simba. Makaka contribute nako sa bayan pamamagitan ng aking buwis. Pwede nakong magreklamo ukol sa katangahan ng gobyerno. Magtatayo ako ng unyon ng mga callcenter agents (taga-PUP talaga?). Gagawa ng resolusyon upang maibsan ang climate change. Ipo-promote ang world peace. Malulunasan ko ang famine sa Africa. Tatakbo ako at mananalo bilang kauna-unahang “non-american citizen” president of America (ano daw??) at pwede ko nang ipa-assasinate sa navy seal si Justine Bieber. Spell, Naive (ay, ayan na pala). Unang trabaho, unang sabak sa telepono.

Memorable ang pinaka una kong call. Sabi nung customer, ipasa ko nalang daw sa iba dahil mukhang wala akong ideya sa ginagawa ko. Sweet naman nya. 3 taon. 4 na employee number. 4 na posing para sa ibat ibang ID ng magkakaibang kumpanya. At kung usapang stereotypes lang naman, heto sila..

1. Di mo alam ang petsa. Feeling mo ang mundo ay isang exercise wheel na tinatakbuhan ng alaga mong hamster. Paikot-ikot. Walang katapusan. Zombie, ika ng iba. Gising, pasok. Uwi, tulog. Pero babalik din ang ating kamalayan tuwing a-kinse at katapusan.

2. Hirap kang matulog sa bahay, pero di mo mapigilang mapa-pikit pag asa trabaho. Di ko alam kung dahil ba sa aircon o ang sarap lang managinip na isang malaking punching bag ang kupal mong TL, tuwing nakikita mo siya.

3. Ikaw o may kakilala ka, na energy drink na ang dumadaloy sa mga ugat. Cobra sa almusal. Sting sa tanghalian. Extra Joss ang panulak pag nabubulunan. Lipovitan naman ang nilalagok tuwing umiinom ng biogesic.

4. May kakilala ka din na laging may bitbit na baso ng starbucks kapag papasok. Siguro, importante talaga ang kape pag graveyard shift. Pero ang nakapagtataka e, buong araw na niya itong hawak, at sa paraan na makikita mo ang pangalan niya na nakasulat sa baso.

5. Alam mo ang mga term na “pitik” at “hadouken”. At madalas itong masusundan ng pagta-type sa notes ng “Customer ended the call”.

6. Kahit madalas e demonyo ang tingin mo sa kanya, gusto mong halikan sa tuwa ang TL mo pagsinabi niyang “Go on aux 4, coaching tayo”.

7. Pero malulungkot ka ulit, dahil malalaman mong bagsak lahat ng na-audit mong calls. Tipong, ang nakuha mo lang ng tama, ayon sa QA, ay opening at closing spiel. Lahat sablay na.

8. Sa lahat ng buttons ng Avaya, Auto in ang pinaka mahirap pindutin, parang may kung anong pwersa na pumipigil, parang invisible force field, samantalang Log Out naman ang bestfriend ng iyong daliri. Lagi rin itong “aksidenteng” napipindot.

9. Nakatangap kana ng perfect csat survey kahit hindi para saiyo (sabi nung customer , napaka helful daw ni Jenny. E Brando ang pangalan mo sa phone). Pero nakareceive ka na din ng Dissat kahit resolved ang issue.

10. Speaking of, kung parang generic name ng gamot ang pangalan mo, walang problema yan, dahil legal ang pag gamit ng phone name o alias. Halimbawa, sa totoong buhay, ang pangalan mo ay Godofredo, sa industriyang ito, ayos lang na mag opening spiel ka ng “Thank you for calling, my name is Summer”.

11. Naisipan mo nang mag-amok at sindihan ang smoke detector para magpaulan ng tubig ang mga sprinkler, tuwing queuing.

12. May kakilala kang bigla-bigla nalang nagwawala, hinahagis ang headset, hinahambalos ang kanyang mug, dinudurog ang avaya sa pamamagitan ng paghampas ng keyboard, dahil hindi alam ng customer kung nasaan ang “start” button.

13. Yung TL mo bigla nalang nagkakaroon ng meeting, pag nakita ka niyang papalapit, sa pag aakalang Sup Call na naman ito.

14. Kung may Teachers Pet, meron ding TL’s Annoying Monkey. Siya yung team mate mo na laging ume-epal at kadikit lagi ng team leader nyo. Madalas siyang taga-report ng mga late o overbreak. Lagi din siyang humihirit ng mga helpful tips pag team meeting. Sarap lagyan ng tattoo sa noo na “Wala akong pakialam”. Joke lang.

15. Dahil immersed tayo sa konsepto ng tamang “customer service”, madalas kang mag-amok sa mga fast food chain kapag pakiramdam mo ay “youre not getting your money’s worth”. “Ano to!! Sabi ko LEG part.. Bakit tuyong BREAST ang binigay mo sakin? Tawagin mo ang manager!!!”.

16. Meron ka o dumating sa buhay mo ang point kung saan nag-apply ka ng credit card.

17. May kakilala kang ayaw tumigil kaka-english kahit sa mga pampublikong lugar o PUVs pero parang tanga na kating-kati mag Tagalog sa mga English Only Zone ng opisina.

18. Mahirap umisip ng dahilan kapag na late ka. Dahil walang trapik at imposibleng umattend ka ng PTA meeting ng anak mo, pag alas dos ng madaling araw.

19. May team mate kang aligaga sa buhay at walang ibang nais na i-suggest kundi ang mag team building kayo. “TL: Guys, ano bang magandang action plan para bumaba ang AHT ng team? SIYA: Team building tayo!!”

20. Mas maangas pa sa CEO ng kumpanya kung umasta ang mga security guard. Nagulantang ako dati nang minsan kong tanungin si Manong Guard ng “Saan po dito yung testing area?”, sabay sagot ng “Im sorry, but you must be aware that this is an *English Only* zone”. Muntik nakong sumuka ng dugo.

21. Bukod sa crush mo, isa sa napaka konting bagay na nagpapangiti sayo tuwing shift ay mga “Ghost Calls”. Kung saan para kang tanga na uulit-ulitin ang opening line, dahil SOP ito.

22. Naranasan mo nang sapilitang tumawa dahil TL, OM o Shift manager ang nag-joke nung nakasabay mo siya sa elevator, kahit na sabaw ang kanyang sense of humor. TL: Anong hayop ang magaling mag karate? Ikaw: Bwahahahaha!! (halos masuka ka na sa pag-papangap) Ano boss? TL: E di.. TILAP-YAHHH!! Ikaw: Nyahahahaha!! (gusto mo nang ipitin ang ulo mo sa pinto ng elevator) Nice one!!

23. Pinasok mo ang industriyang ito kalakip ang pag-asa ng mabilis na promotion. Oo, nasa performance mo nakabase ito, pero umamin ka. Pagkatapos ng unang 6 na buwan, narealize mo na mailap ito parang Halley’s comet.

24. Naranasan mo na ang sumakay sa isang PUV after shift, kung saan, ikaw lang ang stressed ang aura, amoy yosi, amoy alak, samantalang lahat ng ibang pasahero ay preskong-presko, mga amoy downy at blooming dahil papasok palang sila.

25. Sa pag-aakalang napindot mo ang mute, nag-tatatalak ka ng tagalog habang may call. Huli mo nang nalaman na naririnig ka ng customer sabay tanong ng “Im sorry, what?”. Pero dahil maparaan ka, sinagot mo siya ng “oh.. that was a secret passage, written in the language of Mordor, that must be uttered to hasten your dwindling internet speed..”.

26. Naranasan mo nang mag-google ng mga sakit na pwede mong idahilan kapag tatawag ka sa sick hotline niyo. Mas “uncommon”, mas maganda. Dapat binubuo ito ng 3 o higit pang medical terms.

27. Poker face lagi ang company nurse o physician. Hindi sila madaling mapaniwala sa mga nagsasakit-sakitan. Sanay na sila dyan. Lumang tugtugin kung baga. Pauuwiin ka lang kung naisuka mo na ang iyong baga o kulay violet na ang iyong buong katawan.

28. Nakauwi na ang lahat subalit naiwan ka parin sa floor dahil sa customer mong isang oras na nagpapaturo, pero hindi parin magets, ang sayantipikong proseso ng pag “copy+paste”.

29. Kung medyo sablay ang kumpanya, naranasan mo na din ang “hot seating”. Ito yung mala-espanyang pagsakop sa work station mo ng kung sinong Lucifer, kung offline ang iyong phone status. Hindi epektibo ang pag-iiwan ng gamit, pagpapaskil ng iyong larawan sa monitor o paglalagay ng note na “Ang kumuha ng station na to, tutubuan ng pigsa sa gilagid”.

30. Di tulad ng ibang propesyon, hindi big deal dito ang AWOL. Boy A: Asan na si Jayson? Boy B: Nag AWOL na. Boy A: Ah ok. Anong ulam sa pantry?

31. Ikaw o may kakilala kang buong angas kung maglakad sa recruitment area kapag merong mga bagong aplikante. Minsan doon pa mismo tatambay kapag break para ipangalandakan na empleyado na siya. Mas mabisa din kung paiikutin mo ang iyong ID sa leeg na parang hulahoop.

32. Napa-upo kana sa isang work station na puno ng kapalpakan. Kumukurap ang monitor. Mga duro-durog na chichirya ang nakasingit sa pagitan ng mga keys ng keyboard. Yung headset naman, its either mahina, di ka marinig ng customer o nababalot ng sang katutak na scotch tape. Parang embalido lang.

33. Nakakita kana ng isang kumag na pasiklab kung magtype ng password sa mga system tools niyo. Ambilis ng pindot sa keyboard, tulad ng napapanood mo sa mga sci-fi movies. Pero madalas, password incorrect. Maya-maya, mapapansin mo na isa isa nalang ang pag press niya ng mga letter. Kinain ang pride. Busog.

34. Automatic na lumalabas sa bibig mo ang mga phrases na nagpapakita ng sympathy sa customer, kahit na sa totoong buhay e wala ka namang pakialam kung dumadaan siya sa matinding pagsubok gaya ng pagbagal ng internet connection o pagkalimot ng email password. CX: Bear with me, im such an idiot when it comes to tech stuff. You: Its ok maam. And im sorry that you’re an idiot.

35. Halos araw-araw kang makakarinig ng mga istorya tungkol sa isang bagong kumpanya na mas malaki ang sahod, mas magandang management at mas magandang facilities. “Balita ko nga eh, may swimming pool sa ops area nila, at may libre na isang kilong ubas tuwing pasko”.

36. Aminin mo man o hindi, namangha ka din sa pintuan ng opisina na kelangan pang i-swipe ang ID mo para bumukas. “Ay pota.. Magic!!!”.

37. Dahil graveyard shift, hindi rin mawawala ang mga kwentong kababalaghan sa callcenter industry. Kesyo dati daw sementeryo ang site na yun o may namatay nang agent sa opisina niyo dahil aksidente daw nyang nakain ang Avaya at nabulunan. Ikaw: TL, Biglang na-drop yung call!! May multo!!!”. TL: Ulol.

38. Meron kang souvenir mula sa kumpanyang balak ata i-declare na “critical working day” ang bawat petsa sa kalendaryo. Maaaring mug na may logo ng company. Ballpen na may logo ng company. Payong na may logo ng company. Burial plan with complimentary lapida na may logo ng company.

39. Hindi rin mawawala ang love team. Naks. Tamis sa gitna ng masalimuot na mundo ng queuing. Sabagay, mahirap din naman kasi ang magkaroon ng matinong relasyon kung hindi callcenter agent ang jowawers mo. Tipong tinext mo, pero tulog siya. Mga 8 oras na ang nakalipas bago pa siya makareply. Tapos, ikaw naman ang tulog. Vicious cycle.

40. Langit ang training phase. Petiks mode. Buddy up lang lagi. Kaso simula na ng impyerno mo paglampas ng nesting. Taliwas sa pinagsasabi ng mga ignoranteng taong tabon, na hindi kailangan ng utak para makapag trabaho sa isang callcenter, tagisan dito ng talino (kung paano mare-resolve ang issue), abilidad (na magtransfer), creativity (pagiimbento ng dahilan kung bakit dapat niyang sisihin ang kanyang anti virus software) at lakas ng loob (sikmurain ang mga ingles na mura na kadalasan mo lang maririnig sa mga hollywood movies o kanta ni Kanye West). Karamihan sa kakilala kong matatalino, puno ng sense at mababait (kung team mate kita dati, nabasa mo naman siguro ang mga papuring ito, kailangan ko ng dalawang daang piso, baka meron ka diyan) ay nakasalamuha ko sa nasabing industriya. At kahit kelan, di ko malilimutan ang pagkakaibigan at mga karanasan ko mula dito. Thank you for calling, to which department would you like to be transferred? — with Joyce Rescar Corbilla, Dave Rodriguez, Jonar Solinap Jereta, Jeffrey Buan Golloso and Sherelyn Rose Garcia.

Choose Philippines collaborated with PGT Finalist and web sensation El Gamma Penumbra to give you a new version of their music video. Using the song Piliin mo Ang Pilipinas, El Gamma Penumbra amazingly showcases popular Philippine destinations through shadow play.

“PILIIN MO ANG PILIPINAS” is the official theme song of Choose Philippines.
Music by: Allan Dannug
Arranged by: Marvin Querido
Sung by: Angeline Quinto feat. Vince Bueno
Produced by: Creative Communications Mangement; VP/Lyricist: Robert Labayen; Creative Acct. Head: Christina Barbin; EPs: Cidge Laxamana/ Carla Payongngayong; Directors: Paolo Ramos/ Peewee Gonzales; DOP: Jaime Proca, Ding Mendoza.
Facebook: ChoosePhilippinesOfficial; Twitter: choosephils

According to TWITTER, the man who plays Mr. Bean is said to have died.

Nowadays, with the vast influence of media in our lives and with the widespread use of social networking sites it is quite easy to spread news, information, quotes, and even gossips. In America, people woke up today learning from the top news that Mr. Bean was dead. Rowan Atkinson known for his role as Mr. Bean in television and as Agent Johny English on movies was rumored dead. Fortunately, many have realized and learned that the news is false. However, how did it start?

A message posted on Twitter become a trending topic “R.I.P. Rowan Atkinson.” by a Filipino twitter user named Michael Robert Meras which he regretted afterwards because he was bombarded with questions and harsh comments because of his bad sense of humor.

He wrote: “Shutting down now. Sorry guys, RIP Rowan Atkinson was just a joke. Sorry for that matter, I never thought it would be that viral. We<3MrBean.”

The ❤ sign is that of a heart and the message means “We love you Mr. Bean.”

If you are going to search in Google the name Rowan Atkinson it would generate a lot of hits pertaining to his death so people do take these types of false news seriously!!!

Now even Wikipedia was fooled :p

Now that’s one way of getting fame but I am pretty sure that is not good publicity and there are better ways to get attention.  We are grown adults that should know our limits when it comes to sharing sensitive issues. Be responsible for your own actions.

 

Sikat nanaman ang pinoy sa kalokohan!!!